Saturday, August 16, 2008

Stir it then Fry.

"Kung kailan malalaman kung kailangan pang maghintay?"
Actually hindi ko alam kasi nasa tao iyan..hanggat kaya mong maghintay, MAGHINTAY ka! Ngayon, kung iyong paghihintay mo ay 'di maganda ang resulta, hindi ka pa rin magsisisi kasi ginawa mong lahat..ang importante kung anong ginawa mo habang naghihintay ka.

Sa paghihintay, hindi natin dapat pinipigilan ang sarili nating maging masaya, hindi naman ibig sabihin na kapag masaya tayo habang naghihintay ay hindi tayo SERYOSO sa paghihintay..

hindi lang naman sa taong hinihintay natin naka-focus ang lahat..marami pang tao sa paligid natin na nakakapagpasaya sa atin at sila ang dapat nating pagtuunan ng pansin habang hindi pa dumarating iyong hinihintay natin..para kung dumating man siya o hindi, proud kang sabihin na naging masaya ang buhay mo kahit naghihintay ka sa isang bagay na walang kasiguraduahn.